Araw-araw na lang akong nababadtrip sa pagco-commute, at pangarap ko talagang magkaroon ng car. Ang hirap maging mahirap! Kung may kotse lang ako, hindi na ako mapapagod pang tumayo sa mainit na bus papasok sa school. Naaalala ko pa noong sinabi sa akin ni MOM: "Anak, kapag tumama tayo sa lotto, ibibili talaga kita ng isang napakagarang kotse! Bagay sa iyo ang kotseng pula, rosy cheeks ka kasi! At para mas bongga, may driver ka. Dapat yung gwapo para kapag wala na talagang pumatol sa'yo, may mapipikot tayo! Hay anak... sana talaga tumama tayo sa lotto..."
Hanggang sa isang araw, hinihingal si MOM na pumasok sa aming pintuan na malapit nang magiba. Maya-maya ay nahabol na niya ang kanyang hininga at biglang siyang tumili, "Nanalo tayo sa lotto!!! Where REACH na!!!"
Nagtatalon na kami nila kuya at DAD sa tuwa, pero humirit pa si ate, "MOM, it's not REACH; it's RICH!" At pagkatapos ay nakitalon na rin siya at nagsisigaw, "Oh my God I'm so happy we are RICH na!"
"Yes anak!" sabi ni MOM. "Where REACH na talaga! As in one handrid melyon peysoz!"
Hindi na kumibo si ate; tinabla na naman ni MOM ang mga English corrections niya. Pero ang mahalaga nung araw na yon ay MAYAMAN na kami!!!
Ilan pang araw ay nakapag-shopping na sila MOM ng mga mamahaling damit, sapatos, bags, appliances, mansyon at isang Mercedes van for the family. Pero wala pa din yung pinangako sakin na kotseng pula with a gwapo driver! Hindi ko na matiis at tinanong ko na si MOM, "MOM, kailan mo ako ibibili nung pinangako mong car? Yung red na may gwapong driver na pipikutin natin pag wala nang pumatol sakin someday?"
Biglang kumunot ang noo ni MOM at sinigawan ako! "Pinangako ko na nga yun sa'yo, gusto mo pa tuparin ko? Imbyerna ka! Pasalamat ka nga naisip ko yun tapos ipapatupad mo pa sakin? Sobra naman yata yun anak?!"
Na-shock ako, at bigla kong naalala na nanood nga pala si MOM ng SONA ni Glorya kung saan may nagwala na isang reporter at sumigaw: "Ayan ka na naman e, puro ka pangako lahat naman napapako! Ang dami-dami mong plano para hindi na maghirap ang mga Pilipino pero anong ginawa mo? Wala kang tinupad maski isa!"
Sumagot si Glorya at nakangiting sinabi, "May tanong ako sa iyo, iho. Hindi ba magaganda ang mga naisip ko? Hindi ka ba na-inspire sa mga bagay na ipinangako ko?"
"Ayun nga eh, ang gaganda ng plano, ang gaganda nung mga pangako pero wala ni isa ang natupad!" sagot ng reporter.
"Pero ang point dito eh maganda yung mga idea ko. Noh? You should thank me for coming up with bright ideas; I think it's too much to ask of me to MATERIALIZE those ideas! Ako na nga itong nag-effort na mag-isip at magkompromiso, aba, kailangan natin magtulungan! Ako mag-iisip, nasa sa inyo na yun kung gusto ninyong gawin! Basta nagawa ko na yung part ko, ang magbitaw ng pangako! Ako pa ba ang tutupad no'n? It's too much; I may be small but still I'm great. And I may be great but I am only human with limited capabilities. Noh?!"
Napaluha ang mga kongresista at sa sobrang bilib sa pangulo ay nag-standing ovation sila at nagpalakpakan sa loob ng limang oras.
Na-touch din ng husto si Glorya kaya't napaluha na rin siya at sinabing "Thank you, Congress!" sa loob din ng limang oras.

0 comment(s):
Post a Comment