Showing posts with label fictionismness. Show all posts
Showing posts with label fictionismness. Show all posts

Ang Alamat ng German Accent

Friday, February 5, 2010

Isang araw, nabalitaan ni Dyiniper na magkakaroon ng isang Kakornihan shower na magaganap sa himpapawid. Sa kanyang pagnanais na masolo ang lahat ng kakornihang babagsak sa kanilang barangay ay nagpamahagi siya ng isang maling balita na bawal lumabas ng bahay sa araw na iyon dahil MALAS ayon daw sa Feng Shui. At dahil utu-uto ang kanyang mga kapitbahay ay sinunod naman siya ng mga ito at humingi pa ng favorness chenes na parang ganito:

"Dyiniper, favor naman oh. Bait yan... Paki-lock naman 'yung bahay namin sa labas para 'di kami makalabas, 'ayt?"

Siyempre, buong puso niyang ginawa ang favorness chenes na gano'n. At! Dumating na nga ang pinaka-aasam na sandali ni Dyiniper: ang pagsabog ng kakornihan mula sa kalangitan. Ganadong ganado si Dyiniper nang ilabas niya ang lahat ng kanyang balde at planggana for more chances of winning -- este CATCHING pala the kakornihan from the skies. At kung sakaling hindi naman masalo ng balde at planggana ang kakornihan, mayroon naman siyang reserbang ropero kasi daw baka mabunot siyang homepartner. Wala nang tao sa kapaligiran, NGUNIT upang makasiguro na siya lang at wala nang iba pang sasalo ng mga bumabagsak na kakornihan, hinawi niya ang paligid at buong tapang na sinabing: "MINE!!!"

Tagumpay si Dyiniper sa kanyang hangarin. At dahil natuwa ang langit sa kanyang pagiging masigasig ay binigyan siya nito ng isang napaka-korning gantimpala: ang bonggang bonggang German Accent.

-The End-

DISCLAIMER:
Ang akdang ito ay pawang kathang isip lamang. Anumang tao, bagay, pook o pangyayari na may pagkakahalintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya nina Kate at McRey at lahat ng ito ay nagkataon lamang. Pramis. Walang nangyaring ganito sa may bandang Morayta.

Nang ipaayos ni Gloria ang EDSA...

Wednesday, October 21, 2009

Kailan ko hindi maaalala ang mga sandaling unang kang nakilala kung saan tila ang mundo ay wala at tayong dalawa lang ang magsama? Kailan ko hindi maaalala ang mga usapan kung saan tila tayong dalawa lang? Kung saan kahit na saksakan ng ingay ay tila boses mo lang ang nadidinig at naiintindihan? Kailan ko hindi maaalala ang mga katagang nanggaling sa iyong bibig kung saan ang sambit ay ang iyong pananabik... kasabay ang pangalan aking tangi? Kailan ko hindi maaalala ang mga ngiti sa iyong mga labi sabay sa pagbigkas ng bawat letra, salita, pangungusap at tinig na musika sa aking pandinig? Kailan ko hindi maaalalang isipin ang oras na itanong sa akin ang isang palaisipang hindi kayang sagutin; at nang malaman ang kasagutan ay kaya mo nang sagutin? Kailan ko hindi maaalalang ulit-ulitin ang awiting biglang pumapasok sa isipan sa tuwing ikaw ang katabi? Kailan ko hindi maaalala ang mga luha sa dumaloy sa iyong mga mata na kahit kailan ay hindi ko man lang napahid? Kailan ko hindi maaalala ang alala ng alalang lumipas na hindi na maibabalik pa? Ang alaala ng alala ng kahapong nasayang at di na maibabalik pa? Ang alalala ng alala ng bulaklak na papel na naiwan sa gitna na iyong kalungkutan na noon ay nagmakaawang iyong pulutin at gawing pamahid sa bawat luha na dumaloy sa iyong mga mata.

Kailan ko naman kaya maaalala na tuwing ika'y nakikita'y dapat batiin at sabihing ako'y masaya sa lahat ng nangyayari? Kailan ko naman kaya maaalala na huli na at dapat nang kalimutan ang lahat? Kailan ko naman kaya maaalala na ako'y dapat din maging masaya? Kailan ko naman kaya maaalala na muling isulat sa umpisa ang umpisa ng umpisa?

Paalam tunay na pag-ibig. Pinaayos na ni Gloria ang E.D.S.A kaya naman wala nang trapik. Hahahahaha T_T