Ang mamatay nang Bonggang-bongga!

Saturday, October 3, 2009

Tuluyan na ngang bumitaw si Estelita sa pagkapit sa tali. Tuluyan nang namaalam ang lahat ng pag-asang natitira sa kanya na kahit ang kanyang mga anghel ay hindi na kaya pang habulin ito upang ibalik sa kanya. Paano ba naman siya muling makababangon kung halos lahat ng kanyang gawin ay nauuwi na lang sa pagkakamali at wala?!

Matagal-tagal na rin siyang natitimpi ngunit ang umagang iyon ang magiging huli. Ang umagang iyon ang huling makakasaksi sa pagpatak ng kanyang mga luha. Kaya naman sa unang pagtama ng sikat ng araw sa kanyang bintana mula sa kwarto ng barkong kanyang tinutuluyan, tumakbo siya papalabas - patungo sa pinakamataas na palapag ng sasakyang pandagat. Tumigil siya pansamantala upang masilayan ang unti-unting bagbuka ng liwayway. Hinubad niya ang kanyang sapatos at dahan-dahang umakyat sa bakal. Nang makatung-tong sa dulong bakal ay walang pasabi siyang tumalon upang makisalo sa dagat na tanging nakakaintindi sa kanyang nararamdaman.

Tumakbo papalapit ang ibang tao papalapit sa kanya upang subukan siyang mailigtas ngunit huli na pala ang lahat. Mahirap na siyang muli pang maiahon sa tubig pabalik sa barko.

Sa ibaba ay palutang-lutang na ngumiti si Estelita... "Hindi na ako muli pan...." hindi pa siya tapos magdrama nang bigla siyang lamunin ng isang malaking pating. Kaya naman sa unang pagtama ng sikat ng araw sa kanyang bintana mula sa kwarto ng barkong kanyang tinutuluyan, tumakbo siya papalabas - patungo sa pinakamataas na palapag ng sasakyang pandagat upang kilalanin ang kanyang katapusan.

0 comment(s):