Ang Maprinsipyong Pamilya Episode 1

Wednesday, October 14, 2009

Isang araw, habang papasok si ate sa skul ay nakapulot siya ng 50 pesos sa daan. Sabi niya, "Wow, 50 pesos! Anu kayang gagawin ko dito? (isip) Aha! Bibili ako ng burger at float sa McDo! Take-out! Para isipin ng mga tao mayaman ako pag may hawak akong float!" Kaya naman dumiretso na kaagad si ate sa pinakamalapit na Mcdo.

Sa counter, masaya siyang binati ng cashier. "Good morning, MUM! Can I take your order, pleaze?"

"Excuse me?!" sabi ni ate. "Don't call me MOM cuz I'm not your mother. It's Miiiyeaaahhm (ma'am)!"

Bahagyang nasira ang masiglang mood ng cashier. Tinitigan siya nito ng sandali, sabay sabi, "Ok, MOM, can I take your order?"

Napabuntung hininga na lang si ate. "Whatever. Sige, pa-order ako ng isang regular burjer at isang McFloat for take out."

"Ulitin ko lang po order nila, MOM; isang regular BURGER at isang McFloat. Baka gusto niyo pang mag-add ng fries?"

"Hindi na, BURJER at float lang," sabay abot ng 50 pesos.

"Ok MOM, I received 50 pesos. Pahintay na lang po," sabi ng cashier, sabay alis. Pagbalik niya, may dala na siyang burger at McFlurry. "Eto na po order nila MOM,"

"Oh bakit may McFlurry eh McFloat yung inorder ko?"

"Kaya nga, McFlurry nga!"

"Eh McFloat yung inorder ko eh!"

"Oo nga po, McFlurry!"

"Whatever!" at wala na ngang choice si ate kundi tanggapin ang McFlurry na inabot sa kanya ni cashier. Sa sobrang inis ay nilayasan na niya ito ng bonggang bongga.

"Thank you MOM, enjoy your meal! Come again!" hirit pa ni cashier.

Humarap muli si ate sa cashier sa huling pagkakataon bago lumabas ng McDo at sinabing, "It's not MOM, it's Miiiyeaaahhm! OK?!"

"Yes, MOM," sabe ni cashier.

0 comment(s):