Ang Maprinsipyong Pamilya Episode 2

Wednesday, October 14, 2009

Nagbago na talaga ang aming buhay mula nung naka-engkwentro ni ate ang cashier na matigas ang ulo dun sa McDo nung araw na nakapulot siya ng 50 pesos. Sa totoo lang ay hindi talaga nagalit si ate no'n, sa katunayan ay bilib na bilib siya sa prinsipyo ng cashier kaya't paulit-ulit niyang sinasabi sa amin sa hapag kainan na kailangan maging maprinsipyo din kami.

"MOM paabot nga dito nung fishes," sabi ni ate habang kami ay nagdidinner.

Tinulak ni MOM papunta sa kanya ang plato ng tuyo sabay pangaral, "Anak, pag sinabing fishes, iba-ibang species ng isda yun. Ang plural ng mga isdang pare-pareho, tulad na lang nitong ulam nating tuyo, eh fish din. Hindi ba tinuro yun ng english teacher mo?"

Kumibit-balikat lang si ate at kumuha na ng ilang pirasong tuyo mula sa plato. "Alam mo MOM masarap yata isawsaw sa toyomansi 'tong fishes natin!"

"Hay anak, hindi nga fishes ang tamang plural niyan! Fish lang! Parang sheep di ba, anung tawag sa maraming sheep? Sheep din!" hirit ni MOM.

"Whatever... sige na MOM ikaw na ang tama. Ulitin ko ha! Para sa'yo..." at kinuha ulit ni ate ang plato ng tuyo at sinabi:

"Itong ulam natin, maraming isda na iisang species lang, ok! In english... FISHES. hehehe."

0 comment(s):