CONGRAT-ulations!

Wednesday, February 3, 2010

Tuluyan ng sumabog ang buchi ni Isabelat dahil na rin sa pang-aapi ng kaniyang tiyahin. Hindi na nya kinaya ang sobra-sobra pagtatrabaho sa bahay, ang sobrang pang-aalipusta sa kanya, ang panggugutom at ang panlalait sa kanyang buhay, itsura at kung anu-ano pa.

Kaya naman habang sinasabunutan siya matapos matapunan ng matuming tubig mula sa panlampaso ang tiya ay itinulak niya ito tanda ng labis na pagtatanggol sa sarili.

"Hindi ko na kaya!" pasigaw na sagot ni Isabelat, "suko na ako sa pang-aalipusta mo Tiya. Hindi na ako papayag nyan. Isinusumpa ko. Magsusumikap ako at magtatagumpay. At tandaan mo, babalikan ang gagantihan KITA!"

Umaapaw na sa luha ang mga mata ni Isabelat ng biglang tumayo ang Tiya at lumapit sa kanya.

"Ang galing!" sabi ng Tiya na magturot ng panlalait sa salita. "CONGRAT-ulations! Palakpakan!"

Nagtawanan ang dalawa at sabay na tumungo sa kusina.

0 comment(s):