Pinoy Big Slaughter House

Saturday, March 20, 2010

Mechanics:
  1. Mandatory sa lahat ng mga households na may lima o higit pang miyembro ang pagsali sa game show.
  2. Lalagyan ng surveillance cameras ang buong bahay ng mga naturang households upang obserbahan ang mga nakatira dito.
  3. Bawat taon ay mag-vo-vote out ang mga miyembro ng household ng isa sa kanila; siyempre, kailangan ipaliwanag nila kung bakit nila napiling i-vote out ang sinumang pinili nila.
  4. Ang taong ma-vo-vote out mula sa household ay ipapakain sa mga endangered species ng Pilipinas, tulad ng monkey-eating eagle.
  5. Magsisimulang muli ang cycle at muling mag-vo-vote out ang household ng isa sa kanila sa susunod na taon, hanggang sa maging lima (5) na lamang ang bilang ng kanilang household.
** Ang Pinoy Big Slaughter House ay isang proyektong bahagi ng kampanya laban sa Population Explosion sa bansang Pilipinas. Ang programang ito ay hindi lamang makatutulong na mabawasan ang lumolobong populasyon ng bansa kundi tumutulong din sa pangangalaga sa mga endangered species. Hitting two birds with one stone, ika nga.

0 comment(s):