Pinoy Henyo (John Kramer Edition)

Saturday, March 20, 2010

"Hello, (name of player). I want to play a game. All your life, you've been doing this and that without even thinking of that and this.

"Ngayon, nakaupo ka sa isang chamber. Ang iyong ulo ay naka-lock sa isang device na mabubuksan lamang kapag nahulaan mo ang word of the day.

"Sa iyong noo ay mayroong cardboard kung saan nakasulat ang word of the day. Nasa harap mo ngayong ang iyong (kaibigan/kaaway/kamag-anak/kakilala) na nakakadena sa isang krus. Siya lamang ang makakatulong sa iyo upang mahulaan ang word of the day, ngunit wala siyang maibibigay na clue. Ang maaari lang niyang sabihin ay 'oo', 'hindi', at 'pwede'.

"Mayro'n kang dalawang minuto upang hulaan ang word of the day. Timer starts as soon as I reveal the word written on the cardboard on your forehead. Habang pumapatak ang oras, unti-unting mapipilipit ang mga kamay at binti ng tao sa harap mo. Kapag naubos ang oras, sasabog ang device sa iyong ulo, at mapipilipit din ang ulo ng iyong kasama.

"Nasa iyong kamay kung maililigtas mo ang iyong sarili at ang tao sa iyong harapan.

"Live or die, (name of player). Make your choice."

** Ang Pinoy Henyo (John Kramer Edition) ay isang proyektong bahagi ng kampanya laban sa Population Explosion sa bansang Pilipinas. Inspired by the "Saw" movie.

0 comment(s):